PHILIPPINES: Presidential Candidate Marcos, Patuloy pa ring Nangunguna, Isang Linggo Bago ang Halalan
Si Ferdinand Marcos Jr., ang panganay na anak ng dating pangulo ng Pilipinas, ay nananatili sa kanyang pangunguna sa latest opinion poll, isang linggo bago ang halalan sa pagkapangulo sa bansa.
Ang mga Pilipino ay boboto sa Mayo 9 para pumili ng kahalili ni Rodrigo Duterte, dahil ang mga pangulo ay limitado sa paglilingkod sa isang single six-year term.
Sampung kandidato ang nag-aagawan para sa pinakamataas na pwesto ng bansa. Kabilang sa mga pangunahing isyu sa kampanya ang authoritarian rule ni Duterte, at kung paano haharapin ang China.
May kahirapan ang relasyon ng bansa sa Beijing dahil sa alitan sa teritoryo sa South China Sea.
Sa isang survey noong late April ay nagpapakita na si Marcos ang pinakagustong kandidato na may 57 porsiyentong rating ng suporta.
Pumangalawa ang kasalukuyang Bise Presidente Leni Robredo na may 21 porsiyento, na sinundan ni Francisco Domagoso, isang aktor at kasalukuyang alkalde ng Maynila, na may 6 na porsiyento.
Kinumbinse ni Marcos ang mga tagasuporta ni Duterte sa pamamagitan ng pangakong pananatilihin ang outgoing president’s strategies. Pinalalawak din niya ang kanyang suporta sa mga batang botante sa pamamagitan ng social media.
Sinisikap ng iba pang kalaban na manalo sa mga botante na kritikal sa style of leadership ni Duterte tulad ng kanyang mahigpit na pagsugpo sa ilegal na droga.