PHONE BILLS: Pay Later!
Ang tatlong pinakamalaking kumpanya ng telecommunication ng Japan ay nagpahayag na i-extend nila ang deadline ng pagbabayad hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Dahil sa krisis sa ekonomiya na dulot ng coronavirus, maraming mga customer ang nakararanas ng pagbaba ng kita at nahihirapang magbayad ng kanilang mga bayarin.
Upang maibsan ang sitwasyong ito, ang NTT Docomo, NTT Higashi Nihon, NTT Group at SoftBank ay nagpahayag na ang mga slip na pagbabayad na napetsahan pagkatapos ng Pebrero, ay maaaring bayaran sa katapusan ng Hunyo.
Ang KDDI (au), sa kabilang banda, ay nagpasya na ang mga pagbabayad na dapat ay nakatakda pagkatapos ng Pebrero 25, ay maaaring bayaran hanggang sa katapusan ng Hunyo, tulad ng iba pang mga kumpanya.
Sa una, pinalawak na ng mga kumpanya ang tagal ng pagbabayad hanggang sa katapusan ng Mayo, ngunit dahil sa mahirap na sitwasyon at pagpapalawig ng estado ng emerhensya, ang panahon ay inextend ng isa pang buwan.
Ang mga taong nakapag-sign up para sa pagpapalawig ng panahon ng pagbabayad bago ang anunsyo na ito, ay maaaring magbayad hanggang sa katapusan ng Hunyo at hindi na kailangang gumawa ng anumang mga karagdagang pamamaraan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa extension na ito, makipag-ugnay sa iyong kumpanya.
Iniulat ng mga kumpanya na depende sa sitwasyon, maaaring maextend muli ang termino ng pagbabayad.
Ito ay isang kaluwagan para sa mga customer na nagkaroon ng pagbawas sa kita, pagkatapos ng lahat, ang mga bills ay patuloy na dumarating kahit na may krisis sa ekonomiya.
Source: NHK News