Physical abnormalities na dulot ng coronavirus, kumpirmado sa mga ilan sa mga positibong kaso
Ipinagpalagay ng isang Spanish research team sa isang report na ang isang abnormal na katangiang tinawag nilang “corona tongue” ay lumalabas bilang sintomas sa mga unang senyales ng impeksyon. Ano nga ba ang “corona tongue”? Ito ay ang mga malalaking spots sa dila. Sinasabing isang abnormalidad na dulot ng pagkakaroon ng coronavirus sa katawan, Kinumpirma ito ng Spain. May mga naireport na kaso nito sa buong mundo. Nang imbestigahan ng Spanish research team ang nasa 304 katao na positibo sacovid nakitaan ang isa sa bawat 4 na tao ang mayroong sintomas nito. Namamaga ang mga dila, isang senyales na matatagpuan sa early signs ng covid kung kaya’t nawawalan ng panlasa ang sinumang positibo. At 4 naman sa bawat 10 katao ang may abnormalidad sa mga kamay at paa, may mga maliliit na discolorations sa mga palad, na may kasamang pakiramdam ng init at pamumula. Dagdag pa rito sa United States, naganunsyo silang kahit na ang mga negatibo, ang virus ay maaaring maiwan sa utak at ito ay maaaring maging delikado. Nang itest ito sa mga daga, pagkatapos na makapasok sa baga ang virus, nakitaan ng senyales ng mataas na level ng virus sa utak nito. Ayon sa researcher Associate Professor na si Mr. Mukesh Kumar ng Georga State University: ” Ang utak ang isa sa mga paborito ng virus na paglagian, sa ibang pasyente, kapag ang virus ay umabot na sa utak ay nagkakaroon ng seryuso at malalang implikasyon kaht pa sila ay makarecover, na maaaaring ikamatay ng pasyente o kaya ay maaaring patuloy na magdulot ng neurological problems sa mga pasyente. Kahit pa na magnegatibo na ang resulta sa PCR test, may mga posibilidad na naiiwan pa rin ang virus sa utak ng tao. Kung kaya’t ang pinagiingat ang lahat sa mga seryusong implikasyon ng virus sa nervous system disorders na maaaring dulot ng coronavirus tulad na lamang halimbawa ng Parkinson’s disease dahil tumataas ang bilang nito.
https://youtu.be/mjTkKmcccXo
Source: ANN NEWS