General

Pinalawig ng Japan ang COVID Quasi-emergency sa 17 prefectures

Pinalawig ng Japan nitong Biyernes ang COVID-19 quasi-state of emergency measures hanggang Marso 6 sa 17 prefecture, kabilang ang Osaka, Kyoto at Fukuoka, upang pigilan ang mga coronavirus infection, samantala magtatapos naman ito sa limang iba pang prefecture sa Linggo.

Nangangahulugan ang extension sa 31 sa 47 prefecture ng Japan, kabilang ang Tokyo, ay mananatili sa ilalim ng quasi-state of emergency hanggang Marso. Ang mga hakbang ang nagpapahintulot sa mga gobernador ng prefecture na humiling na ang mga restaurant at bar ay magsara nang maaga at ihinto ang paghahatid ng alak.

Si Shigeru Omi, ang top COVID adviser ng gobyerno, ay nagsabi sa isang press conference, matapos aprubahan ng government panel ang extensions ng mas maaga sa araw na iyon, samantala dalawa sa mga miyembro nito ang tutol sa extension, na sinasabi na ang Omicron variant, na sinasabing hindi nagdudulot ng o banayad na sintomas, ay hindi angkop para sa gayong mga restriction.

Ngunit humingi ng pang-unawa si Prime Minister Fumio Kishida hinggil sa desisyon. “I am making the request as I believe that through proceeding with various measures, we will achieve certain results,” aniya sa pulong ng House of Representatives Budget Committee.

Si Hitoshi Kikawada, senior vice minister sa Cabinet Office, ay nagsabi sa panel na ang 17 prefecture na naghahangad ng extensions “ay nahaharap sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng mga pasyente na may severe symptoms at kailangang bawasan ang pasanin sa kanilang health care systems.”

Sinabi ni Kikawada na ang strain sa mga ospital ay humina sa limang iba pang prefecture — Yamagata, Shimane, Yamaguchi, Oita at Okinawa.

Ang quasi-emergency measures ay nakatakdang mag-expire sa Linggo sa 16 sa 17 prefecture at sa Feb. 27 sa Wakayama sa western Japan.

Ang natitirang 13 prefecture ay Hokkaido, Aomori, Fukushima, Ibaraki, Tochigi, Ishikawa, Nagano, Shizuoka, Hyogo, Okayama, Hiroshima, Saga at Kagoshima.

Ngunit kinumpirma ng Japan nitong Biyernes ang 211 virus-related deaths, ang fourth consecutive day na bilang ay lumampas sa 200. Ang seven-day rolling average para sa mga namatay ay nasa record na 190 din.

Ang Daily new infections ay nanatiling mataas sa buong bansa sa 87,723, kabilang ang 16,129 kaso sa Tokyo at 11,505 sa Osaka Prefecture.

Sinabi ng Chief Cabinet Secretary na si Hirokazu Matsuno sa isang news conference na naniniwala ang mga eksperto na ang recent wave of infections ay malamang na tumaas, at plano ng gobyerno na “kumpirmahin ang mga downtrend sa sitwasyon ng impeksyon at ng strain sa mga ospital” sa pinalawig na dalawang linggo.

Maaaring alisin ng gobyerno ang mga hakbang bago ang nakatakdang petsa ng pagtatapos kung bumuti ang sitwasyon at itatawag ito ng mga lokal na gobernador.

Ang quasi-emergency measures ay inilagay mula noong Enero sa marami sa mga lugar upang maiwasan ang pagdami ng mga COVID-19 patient mula sa napakaraming ospital.

Sisimulan din ng gobyerno ang pagpapatupad ng bagong patakaran para sa pagpapahintulot sa mga bata sa pagitan ng lima at 11 taong gulang na mabakunahan sa unang pagkakataon mula sa huling bahagi ng Pebrero.

Dahil hindi compulsory ang inoculation, ang mga awtoridad ay nakatutok sa pagtataguyod ng safety at efficacy ng mga bakuna para sa mga bata.

Ang highly transmissible Omicron strain ay may posibilidad na magdulot ng hindi o mild symptoms. Ngunit ang mga matatanda at underlying health conditions ay mas malamang na magkaroon ng severe symptoms na nangangailangan ng medical treatment.

To Top