General

Pinas, target na makapamahagi ng 60 Milyong doses ng covid vaccine sa susunod na taon

MANILA, Philippines (AP)– Ayon sa Philippine officials target nila ang nasa 60 milyong pilipino na mabigyan ng bakuna kontra coronavirus sa susunod na taon at tinatayang aabot sa 73 bilyon pesos ($1.4 billion) ang halaga nito upang makayanang mabigyan ng immunity ang karamihan sa mga pilipino.

Pahayag ni Carlito Galvez Jr., noong lunes, nakikita nya ang pagsisikap ng gobyernong makakuha ng sapat na bilang ng mga bakuna. Dagdag pa nya, nagkaroon na ng negosasyon sa 4 na Western and Chinese pharmaceutical companies, kabilang na ang U.S.-based Pfizer Inc. at Sinovac Biotech Ltd. ng China, upang makakuha ng sapat na bilang ng mga bakuna. Nagbigay naman ng salita ang isang kumpanya na nakabase sa U.K na AstraZeneca, na makakapagsupply ito ng 20 Milyong doses ng bakuna.

 Dagdag pa ni Galvez, ” bibigyan ng prayoridad ang mga mahihirap lalo na ang mga sobrang hirap sa buhay na komunidad.”

Ang nais naman ng President Rodrigo Duterte ay mabigyan ng prayoridad ang mga pulis at militar dahil sa dami ng mga sakripisyo nila kasama na ang pagresponde sa mga sakuna bilang parte ng kanilang tungkulin sa bayan. Ayon sa presidente, ” Kailangan natin masiguro ang kapakanan at kalusugan ng ating mga kapulisan at militar dahil kung sila ay magkakasakit mahihirapan tayo dahil wala tayong ibang pwedeng maasahan.”

May 420,000 na kumpirmadong kaso, at pumapangalawa sa may pinakamataas na bilang sa Southeast Asia na may 8,173 bilang ng mga namamatay.

Source: MAINICHI SHIMBUN

To Top