Pinay, bumuo ng isang unyon para sa mga foreign workers sa Aichi
Ang mga foreign workers sa Japan ang isa sa mga malaking grupo na lubhang naapektuhan sa pagbagsak ng ekonomiya dahil sa pandemya.
Kahit na marami sa mga ito ang nawalan ng trabaho resulta ng economic crisis, ang ilan ay hirap na patatagin at ayusin ang kanilang mga sitwasyon sa kanilang mga trabaho.
Kasama sa mga ito ang isang pilipina na nakatira sa Aichi Prefecture, isa sa lugar kung saan may malaking populasyon ng mga pinoy sa buong bansa, nasa kabuuang bilang ng 39,339 katao sa pagtatapos ng taong 2019, ayon sa Ministry of Justice, karamihan sa mga mangagawang ito ay nasa manufacturing industry.
” nais kong makabuo ng isang magandang working environment para sa mga foreigners, ” sabi ng babae na kinilala bilang si Maria Santos sa takot na ang invilvement nya sa union ay makaapekto sa paghahanap nya ng trabaho sa hinaharap.
Bumuo si santos ng worker’s union noong Hunyo ng nakaraang taon, kasama ang 15 Pilipino, matapos silang tanggalin sa trabaho at ang ilan ay hindi na nirenew ang kontrata matapos sumabog ang pandemya sa bansa.
Ang grupong ito ay pinangalanang Aichi Migrant Workers, ang layunin ng union ay matulungan ang mga foreign workers sa pamamagitan ng isang community-based location para sa mga foreign workers sa Aichi.
Sa tulong ng isang lokal na union na tinawag na Union Aichi, Ang AMW ay nagsasagawa ng buwanang study sessions tungkol sa Japan’sLabor laws and systems.
Dalawang taon mahigit na ang nakalipas ng unang maisip ni Santos ang tungkol sa unyon, ngunit nitong Marso, nawalan sya ng trabaho sa isang auto parts factory matapos na hindi na muli pang irenew ang kanyang kontrata.
Naisipan niyang itayo ang unyon matapos mapag-alamang siya lamang ang namumukod tanging hindi lahing hapon na nawalan ng trabaho.
Ayon sa survey ng Ministry of Labor, nasa 93,354 katao ang nawalan ng trabaho dahil sa sitwasyon ng pandemya noong March 5 lamang, kung saan sobrang naapektuhan ang manufacturing industry na may 20,536 layoffs.
Source:Kyodo News