Crime

Pinay na nagmalasakit sa isang hapon, pinagsamantalahan

Hindi sukat akalain ng isang 23-anyos na pinay na sa kabila ng pagtulong ay makukuha syang pagsamantalahan ng paulit-ulit ng isang hapon matapos nyang kupkupin at patuluyin sa kanyang condo.

Dahil sa takot hindi nagawang makapagsumbong agad ng pinay dahil tinatakot umano syang iuupload sa social media at ibebenta sa porn sites ang mga video ng panghahalay nito, hindi lang yun. Sasaktan din daw umano ng suspek ang anak ng pinay.

Nangyari ang panghahalay sa condo ng pinay sa taguig, pinatuloy nya umano ang suspek dahil wala raw umanong matuluyan ang suspek, dagdag pa nito binablackmail daw umano ang suspek na kinilalang si Tetsunori Kishida ng kinakasama nitong pilipina rin na kung saan ay walang wala na umanong pera ang suspek kung kaya’t naawa ang pinay at kanya munang pansamantalang kinupkop ang hapon.

Bago pa man nito patuluyin ang hapon ay nagpaalam muna ang pinay sa kanyang boyfriend na isa ring hapon kung ok lang bang patuluyin si Kishida sa kanilang tinutuluyang condo dahil kababayan ng nobyo si Kishida ay pumayag naman ang ito.

Pero hindi inaakala ng pinay na yun na ang magiging umpisa ng bangungot sa buhay ng pinay.

ayon sa kanya:

“‘Pag hindi po ako nag-e-English, tinitingnan niya po ako ng masama. Tapos yung bata [anak ko] po, pupuntahan niya sa kwarto, kunwari itse-check niya lang pero ang ano niya po dun is ‘pag ‘di ako nag-English, sasaktan niya yung baby,”.

Kapag nagrereklamo sya at may nasasabing hindi magugustuhan ni Kishida ay kanya itong pwersahang hinahalay.

“Kinuha niya po ako sa balcony tapos hinagis niya ako sa kama tapos pinilit niya po akong makipag-sex sa kanya.”

Noong March 29, Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang biktima kay Kishida. Pero binabantaan sya ng suspek na ikakalat ang kanilang sex videos online kung hindi sya papayag na makipagtalik muli sa kanya.

“Nakita ko po sa Facebook, na-upload niya yung video na isa-isa niya pong inap-load. Sabi ko sa kaniya, ‘wag niya namang i-upload lahat naman gagawin ko. Kaso hindi niya po binura, at ginawa pa po niyang  public,”  ayon sa biktima.

Humingi na ng tulong ang biktima sa Taguig Police department habang naglabas naman ng protection order ang barangay council.

Narito ang report ng GMA News sa YouTube:

 

credits to : kickerdaily, youtube,GMA News

Pinay na nagmalasakit sa isang hapon, pinagsamantalahan
To Top