Crime

Pinay, sinadya raw ipapatay ng hapon kapalit ng insurance claim na 15Million?

Zamboanga city – Inaresto noong April 18,2018 ang isang 73-year old Japanese National dahil umano sa pagkakapaslang ng pinay na asawa nito last year.

Ayon kay Zamboanga City police director Senior Superintendent Neri Ignacio, Nakilala ang suspek na si Kiyoshi Hana Niida mula sa Hokkaido,Japan. Itinuturo umanong mastermind sa pagpaslang sa kanyang pinay na asawa na si Majen Curambao si Kiyoshi na naaresto sa pansamantala netong residence address sa Brgy. Guiwan,Callejon Drive.

” Sya ang itinuturong nagutos sa pagpaslang sa kanyang maybahay, at may 3 pang kasabwat na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad, pahayag ni Ignacio.”

Ayon pa kay Ignacio, walang piyansa ang kasong parricide na isasampa laban sa suspek na may Criminal Case No. 37979 sa sala ni Judge Shaldilun Bangsaja ng Regional Trial Court Branch 22.

 

Samantala ayon kay SPO4 Ramon Rudy Vasquez, Zamboanga City Police Station 5 investigator-on-case, base sa kanilang imbestigasyon, inutos ni Kiyoshi ang pagpaslang sa kanyang maybahay dahil sa insurance claim.

“Lumabas sa imbestigasyon na pinainsured ni Kiyoshi ang kanyang asawa sa Japan sa halagang humigit-kumulang 15Milyong piso. Ang asawa nito ang namamahala sa building for rent nila sa Zamboanga city.”

Dagdag pa nito: Papauwi si Majen nang barilin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Guiwan noong Disyembre taong 2017.

Dagdag pa ni Vasquez, “patuloy na tinutugis ang mga suspek na sangkot sa krimen. Ayon sa imbestigasyon, mayroong 5 suspek na involve sa krimen kasama na rito ang hapon, ngunit ginawa kong witness ang isa sa mga ito para maituro at agarang madakip ang mga natitira pang kasamahan nito.”

Source: Inquirer.net, Manila-shimbun

Pinay, sinadya raw ipapatay ng hapon kapalit ng insurance claim na 15Million?
To Top