Karamihan sa ating mga mahal sa buhay ay nakikipagsapalaran sa Japan upang magtrabaho bilang entertainer, teacher, nurse at kung anu-ano pa. Ngunit ngayong Kapaskuhan, karamihan as kanila ay hindi natin makakapiling dahil kailangan nilang mgtrabaho. Kung kaya’t pano ang selebrasyon nila ng pasko sa Japan? Paano ang kanilang media noche? Katulad din ba dito sa Pinas? Paano nga ba ang Pinoy Christmas in Japan?
Karamihang sa kanila ay sasabihin na mas masaya pa rin ang pasko sa Pilipinas dahil sa Japan, isa lang normal naaraw ang pasko. Kadalasan ay bibili lamang cake at iba pang pagkain lalong lalo na ang KFC. Ito ang dahilan kung bakit naturingan na Kentucky Fried Christmas ang kapaskuhan sa Japan. Samantalang sa Pinas, meron tayong mga salo-salo sa mga kapamilya o kamag-anak (reunion), may ibat-ibang party na dadaluhan para sa trabaho, barangay at organisasyon, at marami pang ibang nakagawian.
Kaya ang iba sa ating mga kababayan ay gugustuhin pa ring umuwi sa Pilipinas kahit tuwing sa panahon ng kapaskuhan lamang. Sa ating bansa, ang kahulugan ng Pasko ay ang pamilya at si Hesus. Sa Japan, ang selebrasyon nito ay pagbibigyan ng regalo para sa mga nagmamahalan at ang Kentucky Fried Christmas. Parang Valentines Day lamang sa atin di ba? Sadyang napakalungkot ng Pasko lalo na kung malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay, hindi lamang sa Japan kundi sa ibang bayan pa man.
Ang iba naman sa ating mga kababayang Pinoy ay magtitipon-tipon at gagawa ng sariling selebrasyon sa Japan, kung saan mag-hahanda ng iba’t-ibang mga pagkain na laging nasa hapag kainang Pinoy tuwing may okasyon. Nariyan na ang barbecue, macaroni salad, pancit, sotanghon soup, fruit salad, hamonado, spaghetti, leche flan at kung anu-ano pa. Likas sa ating mga Pinoy ang maghanda ng maraming pagkain sa espesyal na araw na ito, kahit na may kahirapan pa ang ating buhay pero dapat nating isipin lagi na ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagmamahalan natin sa bawat isa at ang kapanganakan ng ating tagapagligtas na si Jesus. Saan man tayo naroroon lagi, isa-isip natin ang tunay na diwa ng kapaskuhan.
image credit: Manish Prabhune/Flickr