Pinoy, sangkot sa panloloob sa isang Dental Clinic sa Saitama
Sa Saitama at Chiba prefecture, tinatayang mayroon ng higit sa 120 na mga kaso ng pagnanakaw sa mga Dental Clinics. Noong Hulyo ng taong ito, dalawang lalaki ang naaresto dahil sa pagnanakaw ng pera atbp mula sa isang klinika sa ngipin sa Saitama City. Kinilala ang mga suspek na sina Norio Osaka (33) at ang pinoy na si Dela Selna Yusuke (26) na itiniturong nagnakaw umano ng halos 90,000 yen na cash mula sa isang dental clinic sa Minuma Ward, Saitama City noong Hulyo ng taong ito. Hanggang ngayon, mayroong halos 25 kaso ng pagnanakaw sa mga Dental Clinic sa Saitama prefecture, at ang kabuuang pinsala ay umaabot na sa halos 9 milyong yen. Sa klinika na ito, nilooban ito sa pamamagitan ng pagbasag ng bintana sa gawing likuran noong Mayo at tinatayang nasa halos 300,000 yen ang natangay ng mga suspek mula sa nasabing klinika.
Ayon sa salaysay ni Dr. Hideo Kurihara, Direktor ng, Kurihara Dentistry: “Natangay ang napakalaking halaga ng walang kahirap-hirap. Nararanasan ko ang ganitong klaseng pinsala sa sitwasyong ito sa gitna ng pandemyang corona. Ang bilang ng mga pasyente ay nababawasan nang husto at ang kita ko ay bumabagsak nang husto. ”
Halos 400,000 yen cash ang ninakaw. Sinisiyasat pa din ng pulisya ang serye ng mga insidente ng nakawan sa lugar.
https://youtu.be/YlldH7YM9dA
Source: ANN NEWS