Isang 36-anyos na pinoy na nag-ngangalang Lampano Jerico Mori ang umamin sa hearing sa korte nitong nakaraang martes, sa kasong panghahalay at pagpatay sa 21-year old na babaeng estudyante ng Ibaraki University noong taong 2004.
Sa unang hearing sa korte, inamin ni Mori ang krimen, ngunit umaapila naman ang kanyang defense team at sinasabing ang krimen ay posibleng naganap dahil sa impluwensya ng 2 pang kasabwat. May mga kwestyonableng detalye raw umano tulad nalang ng paraan ng pagkakapatay at kung ilang beses na saksak ang natamo ng biktima na ayon sa kanila ay malaking posibilidad na dahil na rin sa impluwensya ng 2 pa nitong pinoy din na kasabwat.
Ayon sa akusasyon sa suspek, nakipagsabwatan umano si Mori sa 2 pang kasama upang sapilitang maisakay sa sasakyan ang babaeng biktima sa bayan ng Ami, Ibaraki Prefecture, bago tuluyang pagsamantalahan at sakalin bandang alanganing oras ng Jan 31, 2004. Pagkatapos ay tinuluyan ang biktima gamit ang isang patalim sa tabing ilog sa kalapit na bayan ng Miho.
Ayon sa kanyang defense counsel, “bata pa noon ang akusado na kung saan maaring kaya nya nagawa ang ganung klaseng krimen ay dahil sa udyok ng 2 pa nitong kasama”. Dagdag pa nila, narealize na rin ng akusado ang pangyayari at handa raw umano syang pagbayaran ang kasalanang nagawa.
Inaresto si Mori ng mga pulis na noon ay nagtatrabaho sa isang factory sa Gifu prefecture, taong 2017 buwan ng Septyembre at inilagay naman sa international wanted list ang 2 pa nitong kasabwat na pawang mga pilipino rin at kasalukuyang naninirahan na sa pilipinas. Minor pa ang 2 pinoy na kasabwat nito noong mga panahong naganap ang krimen na ngayon ay nasa edad 32 at 34.
Maaring maliit na nag tyansa ng 2 pang kasabwat nitong mahuli sa krimen dahil umalis na ang mga ito palabas ng bansang Japan pagkatapos ng insidente.
Sa hearing ng Miho District court, pinagtibay ang ebidensya laban sa akusado sa pamamagitan ng DNA samples na nakuha sa kamay ng biktima. Dagdag pa nila, inamin umano ni Mori ang krimen sa isa sa mga nanay ng kasabwat nito noong taon ng 2007 buwan ng Marso.
Magpapatuloy ang hearing sa kaso sa ika-19 ng hulyo at Hatol at maipapataw sa araw ng Hulyo 25,2018.
Source: Japan times, ANN News