Pinoy worker arestado sa pagpalo ng metal tool sa kasamahan sa trabaho
Isang 26-year-old na Pinoy worker ang naaresto sa Omaezaki City sa Shizuoka Prefecture dahil sa pagpalo niya sa kasamahan sa trabaho sa ulo at iba pang parte ng katawan gamit ang isang metal tool.
Ang hinampas ay isang 37-year-old na company employee na nagtamo ng minor injury sa likod ng ulo.
Bandang 1:40 ng hapon noong July 24, tumawag ang company sa fire department para i-report na may mga employees daw na nag-aaway at may taong sugatan.
Ayon sa police, umamin ang pinoy worker sa ginawang pagpalo sa employee. Siya raw ay pinagsabihan ng na-injure nya na employee ngunit di daw niya naintindihan ang sinabi nito at uminit ang kanyang ulo sa galit.
SOURCE: YAHOO JAPAN NEWS JULY 24,20023
LINK:
https://news.yahoo.co.jp/articles/560ef407f2ab9c1549f562352d6eca1dd1344761