Travel

PM Kishida: Japan, Isasaalang-alang ang Pagpapagaan sa Entry Ban ng mga Non-resident Foreigner

Sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida nitong Sabado na isasaalang-alang ng gobyerno ang pagpapagaan ng entry ban sa mga Non-resident Foreigner na ipinatupad noong Nobyembre upang maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus, sa gitna ng growing criticism mula sa mga academic at business circles.

Hindi niya malinaw na sinabi kung kailan mapapagaan ang border control, na ang current measures ay nakatakdang magtapos sa Feb. 28.

“We will take into account accumulated scientific knowledge on the Omicron variant, changes in infection conditions inside and outside Japan, and other countries’ border control measures,” sinabi niya sa mga reporter sa Tokyo.

Ang gobyerno ay naghahanda na i-announce ang mga detalye sa susunod na linggo ng mas maaga, ayon sa government source.

Ang mga pahayag ni Kishida, kasunod ng pagpuna sa entry ban mula sa maraming academic at business leaders. Ang panukala ay humadlang sa international students na makapasok sa Japan, na nag-udyok sa ilan na isaalang-alang ang alternatives tulad ng South Korea.

Ang business community, na nahaharap sa chronic labor shortage, ay humiling na alisin ang ban.

Isinasaalang-alang ng gobyerno na bawasan ang limitasyon sa bilang ng mga araw-araw na bagong pasok mula sa ibang bansa mula sa kasalukuyang 3,500, ayon sa source. Hanggang Nobyembre, hanggang 5,000 ang pinapayagan sa bawat araw.

Ang entry ban ay ipinatupad na mula noong Nov. 30, kung saan kinumpirma ng Japan ang unang kaso ng Omicron Variant pagkatapos ng araw na iyon.

Sinabi ng gobyerno noong nakaraang buwan na plano nitong payagan ang ilang government-sponsored foreign students na may less than a year na natitira hanggang sila ay makapagtapos o makatapos ng kanilang pag-aaral upang makapasok bilang isang exceptional measure.

To Top