PM Kishida, Pinaplano ang Reward Points System para Mabawasan ang Electricity Bills
Sinabi ni Punong Ministro Fumio Kishida nitong Martes na plano ng gobyerno na pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng power-saving households points na maaaring magamit upang makatulong na mapababa ang kanilang mga utility bill.
Sa unang pagpupulong ng government task force sa pagtaas ng presyo bago ang House of Councillors election sa susunod na buwan, nangako ang punong ministro na po-protektahan ang buhay at negosyo ng mga tao sa pamamagitan ng pagharap sa tumataas na presyo ng pagkain at enerhiya na itinutulak ng ongoing Russian invasion sa Ukraine.
Bukod sa paglikha ng reward points system para mabawasan ang pasanin sa mga sambahayan, sinabi ni Kishida na ang mga emergency measure na nagkakahalaga ng 13 trilyon yen ($96.3 bilyon), na bahagi nito ay pinondohan ng pribadong sektor, ay mabilis na ipatutupad upang harapin ang tumataas na presyo ng wheat, fertilizer, livestock feed at energy.
Bago ang pulong ng task force, narinig din ni Kishida ang mga opinyon ng mga kumpanya ng pagkain sa pagtaas ng presyo ng mga item na iyon.
Ang kamakailang pagtaas sa mga presyo ng mga mamimili ay sanhi ng soaring costs of energy, fresh food at iba pang pagkain, ayon sa Ministry of Economy, Trade and Industry.
Sa isang kamakailang opinion poll na nagmumungkahi na ang majority ng publiko ay hindi nasisiyahan sa tugon ng gobyerno sa pagtaas ng mga presyo, ang pagpapagaan sa epekto ng mas mataas na mga gastos sa pamumuhay ay inaasahang maging isang major issue sa upper house election sa Hulyo 10.
Ang Official campaigning para sa halalan ay magsisimula sa Miyerkules.
Ang gobyerno ay gagawa din ng isang sistema kung saan ang mga power company ay bibili ng mga saved portions ng electricity mula sa mga negosyong nakikibahagi sa karagdagang pagtitipid ng kuryente.
Ang mga hakbang na tinalakay sa pulong ng task force ay magiging bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na maiwasan ang kakulangan sa kuryente ngayong tag-init at taglamig.
Ang ilang mga electricity provider ay nagbibigay na ng mga puntos sa mga sambahayan na nagtitipid sa kuryente.
“Gusto kong mas maraming tao at kumpanya ang makilahok sa mga inisyatiba ng mga electric power company na gumamit ng kuryente nang mas mahusay,” sabi ng Ministro ng Economy, Trade and Industry na si Koichi Hagiuda sa isang press conference pagkatapos ng pulong.
Habang tumataas ang mga presyo ng mga bilihin at serbisyo, sinabi ni Kishida na layunin din ng gobyerno na itaas ang average minimum wage sa hindi bababa sa 1,000 yen sa current fiscal year hanggang Marso.