Dahil sa bombing sa Sri Lanka
MANILA, Philippines — Paiigtingin pa ng Philippine National Police ang intelligence monitoring kasunod ng madugong serye ng mga pambobomba sa mga simbahan at hotel nitong nagdaang Easter Sunday sa Sri Lanka na kumitil ng buhay ng mahigit 290 katao habang halos 500 pa ang nasugatan.
Sinabi ni Philippine National Police General Oscar Albayalde na ito ay bilang pag-iingat upang maiwasang mangyari sa Pilipinas ang ganito katinding sabay-sabay na pambobomba.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng PNP Chief na walang namo-monitor na anumang banta ng ‘terror attack’ sa Pilipinas.
Nakikidalamhati rin ang Department of Foreign Affairs sa mga pamilya ng mga biktima sa naganap na multiple bombings sa mga simbahan at hotel sa Sri Lanka.
Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/04/23/1911888/pnp-palalakasin-ang-intel-monitoring#d3SkQj0WoQw7BrXL.99