Isang police officer na nasa 20’s ang edad ay naaresto sa salang kriminal matapos umanong subuking mang-iscam ng pera sa isang 85 year old na lalaki sa Tokyo.
Nakilala ang suspek na si Fumiya Kawashima (21 anyos), naniniwala ang mga pulis na hindi lang si kawashima ang nasa likod ng nasabing insidente. May mga kasama raw ang suspek sa naturang tangkang panlilinlang sa matanda. Ayon sa Metropolitan Police Department, ginaya umano ng mga suspek ang kapatid ng 85-anyos na biktima at nagpanggap na nalugi umano sa isang stock market ng 200 Million yen. Ngunit lingid sa kaalaman ng grupo. Matagal ng patay ang kapatid ng biktima ngunit sinakyan umano nito ang insidente na syang naging dahilan upang mahuli ang nasabing grupo sa akto.
Mariing itinatanggi ng suspek ang pangyayari at ayon sa kanya ay may mga kinukuha lamang syang naireport na nawawalang gamit.
Source: ANN News