International

Political tensions mark Philippine elections

Isinasagawa na ang bilangan ng boto para sa midterm elections ng Pilipinas sa gitna ng umiigting na tunggalian sa pagitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Naganap ang halalan nitong Lunes (Mayo 12), kung saan nakataya ang kalahati ng 24 na puwesto sa Senado, lahat ng puwesto sa Mababang Kapulungan, at mga posisyon sa mga lalawigan, lungsod at munisipalidad.

Ang pinakamainit na labanan ay nasa Senado, dahil inaasahang magsisimula na ang impeachment trial laban kay Sara Duterte sa Hulyo. Kapag siya ay napatunayang nagkasala, hindi na siya makakatakbo sa halalan sa pagkapangulo sa 2028.

Ayon sa lokal na midya, may kalamangan sa ngayon ang mga kandidato na sinusuportahan ni Marcos, na nakakuha ng anim na puwesto sa Senado, habang tatlo naman ang nakuha ng mga kaalyado ni Sara Duterte.

Gayunpaman, nananatiling tensyonado ang sitwasyon. Noong Martes (Mayo 13), idineklara bilang panalo sa pagka-alkalde ng Davao ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, ama ni Sara, sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa The Hague, Netherlands. Siya ay naaresto noong Marso sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court kaugnay ng kanyang kontrobersyal na “giyera kontra droga” na ikinamatay ng libu-libong tao.

Source: NHK

To Top