President Trump, nagpabakuna ng Remdesivir pagkatapos magpositibo sa coronavirus
Ang doktor ng Pangulong Trump, na nagkumpirma na nahawahan ng bagong coronavirus ang presidente ng Estados Unidos, ay naglabas ng isang pahayag na nagsasabing tumanggap umano ng presidente ng antiviral na gamot na “remdesivir.” “Matapos kumunsulta sa ibang mga dalubhasa, pinayuhan ang US President na lumipat sa isang military hospital para sa follow-up,” sinabi ng doktor ni Trump sa isang pahayag. Sa ngayon, sinabi ng Pangulong Trump na ang kanyang pakiramdam ay gumaganda at hindi niya kailangan pa ng oxygen inhalation. Pagkatapos nito, sinasabi na ang gamot na antiviral na “remdesivir” ay ibinigay sa Pangulo. Sa prinsipyo, ang remdesivir ay dapat ibigay sa mga pasyente na may kritikal na sakit sa Japan. Si Pangulong Trump ay nag-post din sa Twitter sa kauna-unahang pagkakataon mula nang napasok siya sa isang military hospital, at nagkomentong, “Sa palagay ko maayos naman ang resulta nito. Salamat sa lahat.”
Source: ANN NEWS