News

PRESSURE SA MGA MANGGAGAWA NG OLYMPICS

Isang bagong problema ang kinakaharap ngayon ng construction para sa bagong National Stadium sa Tokyo kung saan ang Olympic at ang Paralympic Games ng Tokyo ay gaganapin. Ang pressure na matapos ang construction ay nakadagdag sa pisikal at mental na pagod ng mga manggagawa, na isa sa naging resulta nito ay may nagpakamatay ng dahil dito.

Ayon sa abogado ng pamilya, ang construction ng bagong stadium ay na delayed at para mahabol ang deadline, kinailangan ng lalaki na may edad na 23 anyos na magdagdag ng 100 extra na horas sa overtime noong January, at nadagdagan pa ang overtime nito ng mahigit na 200 horas noong February. Noong March nag-iwan sya ng note na nagsasaad na sya ay humihingi ng tawad at ang pisikal at mental nyang kalagayan ay lumagpas na sa kanyang limit at wala na syang ibang alam na paraan kundi ang magpakamatay nalang.

Sinabi ng Governor ng Tokyo na bibigyan ng pansin ang mga sitwasyon katulad nito upang maiwasan ang mga ganitong trahedya.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=iuvA-8JGQx0

To Top