Mula sa buwan ng Abril magsisimula ng magsipag-taasan ang halaga ng ilan sa mga pangunahing bilihin.
Ang “Okame Natto” ay magtataas ng halaga sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 27 years, ng mula sa 10%-20%. Ang dahilan sa pagtataas nito ay dahil sa patuloy na pagtaas diumano ng imported soybeans na pangunahing sangkap nito. Pati na rin ang Nescafe na inaasahang tumaas din ng may 10% sa original price. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin, nanganganib na mabawasan ang quantity ng ilan sa mga produkto sa merkado. Diumano ang itinuturong dahilan ng pagtaas ay dahil sa patuloy na pagtaas ng shipping costs at labor costs, may mga ilang online shopping sites na itinigil na ang kanilang mga free shipping promos dahil dito.
Bukod pa dito, bad news para sa mga mahihilig uminom dahil magtataas na din daw ang halaga ng mga beer at maaring maapektuhan ang mga establishments na nagpapainum kung kaya’t asahan nyong baka sakaling magtaas rin sila ng presyo.
Ayon kay Dai-ichi Life Economic Research Institute, Toshihiro Nagahama, Chief Economist: ” Maaring ito na ang pinakamataas na presyo sa kasalukuyan ngunit dahil tumataas na ang logistics cost, wala kaming magagawa kundi itaas na ang presyo ng mga bilihin kung kaya’t apektado ng price increase na ito ang mga mamimili.”
Source: Ann News