News

Price hikes drive food prices higher

Nagtala ng pinakamataas na average retail price ang walong naprosesong pagkain sa Japan, ayon sa survey ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries. Kabilang dito ang mantikilya, tofu, at mayonnaise.

Umabot sa 644 yen kada 200 gramo ang mantikilya, 26.9% na mas mataas kaysa karaniwang antas. Isa sa mga itinuturong dahilan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga kompanya ng dairy mula noong Setyembre.

Nagkakahalaga naman ang mayonnaise ng 460 yen kada 500 gramo, habang 30 yen kada 100 gramo ang tofu. Sa kabuuan, walong produkto sa survey ang nagtala ng pinakamataas na average price.

Source: TBS News Dig / Larawan: Illustrative Photo
To Top