General

Prime Minister Abe: Mamahagi ng masks sa isla ng Hokkaido

Pahayag ni Prime Minister Abe na ang gobyerno ng Japan ay mamamahagi ng mga masks na direktang binili ng maramihan sa mga manufacturer sa mga residente ng Hokkaido, kung saan talamak ang kaso ng nahawahan ng coronavirus.

Dagdag pa nya: ” Mataas ang demand sa paggamit ng masks dahil na rin sa sa kadahilanang makaiwas sa lalong pagkalat at pagpasa ng impeksyon sa bawat isa.” Ang mga nabiling masks ay dadalhin sa mga residente ng munisipalidad kung saan malala ang kaso ng nahawahan.

Ipinahayag din ni Prime Minister Abe ang intensyon nyan bigyan ng instruction ang mga nagbebenta ng masks sa bansa sa ilalim ng Emergency Measures for the Stabilization of the People’s Livelihood Law.

Dagdag pa rito, ito ay para na rin magamit ang nalikom na pondong nakareserba ngayong taon ng na budget na aabot sa 270 bilyong yen.

 

https://youtu.be/gatHpwLm4mk

Source: ANN News

To Top