Prime Minister Abe: “Gagawin ko ang lahat sa loob ng 2 linggo”
Ito ang naging pahayag ni Prime Minister Abe sa conference na ginanap kamakailan lamang.
Grabe na ang stress ng gobyerno sa tuloy-tuloy na pagkalat ng coronavirus sa bansa. Kaliwa’t kanan ang lumalabas na mga social media negative posts na syang nakakadagdag sa takot ng mga tao kung kaya’t di maiwasang nagreresulta ito sa panic buying at exaggerated reactions.
Isa-isang nagsasara ang mga pamosong pasyalan at parke at pati rin ang biglaang pagsasara ng mga eskwelahan. Maski ang mga gatherings at party events ay nililimitahan na rin upang maiwasan ang posibilidad na magiging daan pa ito ng pagkalat ng nasabing virus.
Nagpatawag rin ng press conference ang Prime Minister na si Abe san upang maipaliwanag nito mabuti at maipaintindi sa lahat kung ano ang dahilan sa likod ng mga biglaang desisyon ng gobyerno upang magbigay daan sa naiisip nilang solusyon upang macontain ang lalo pang pagkalat ng coronavirus infection. Determinado siyang matapos na ang problemang ito sa lalong madaling panahon at nananawagan sya sa mga tao sana maintindihan nila ang lahat ng ito ay para sa kabutihan ng lahat, humihingi rin sya ng kooperasyon sa bawat isa.
Ayon pa sa kaniya: ” Sa loob ng 2 linggo, determinado ang gobyerno na lahat ng dapat at maaaring gawin ay kinakailangang ipatupad para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa buong bansa.”
Hiniling din ni Prime Minister Abe ang maagang pagsasara ng mga paaralan mula elementary,middle at highschools, atbp., at para naman sa mga part-time workers na mapipilitang lumiban sa trabaho upang alagaan ang kanilang mga anak. Huwag mag-alala at may solusyon ang gobyerno para matulungan kayo sa mga bayarin dahil alam ng gobyerno na mababawasan ang kanilang mga income nang dahil sa desisyong ito. Inaasahan din ang posibilidad na magagamit ang pondo na nasa 270 billion yen para dito sa loob ng 10 araw.
Dagdag pa ni Prime Minister Abe: ” Sa totoo lang hindi talaga kakayanin ng gobyerno ang laban na ito mag-isa kung kaya’t sa panahong ito hinihiling ko ang inyong lubos na pang-unawa at kooperasyon”.
Samantala ang mga pahayag na ito ay nagdulot naman ng iba’t ibang opinyon at kritisismo dahil na rin sa napakalaking epekto nito sa pamumuhay ng mga tao.
Source: ANN News