General

Prime Minister Abe pormal ng iaanunsyo ang “State of Emergency” bukas

Inihayag ni Prime Minister Shinzo Abe nitong Lunes na maglalabas siya ng isang pahayag tungkol sa emergency declaration batay sa revised Special Measures against Pandemic Influenza sa April 7, dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga bagong impeksyon ng coronavirus sa Tokyo at sa ibang lugar. Ang panahon ng pagpapatupad ng sistema ng emergency declaration ay inaasahang tatagal ng halos isang buwan. Saklaw nito ang pitong prefecture, tulad ng Tokyo, kung saan malubha ang sitwasyon, at pinapayagan ang ilang mga paghihigpit sa mga pribadong karapatan. Ito ay opisyal na ilalabas pagkatapos na mapagusapan ng “Basic Response Policy Advisory Committee” na nilikha ng mga infectious disease specialists at lawyers. Ito ang unang emergency declaration na nakabatay sa batas. Sa una, ang Punong Ministro ay nag-iingat sa deklarasyon dahil sa mga alalahanin sa epekto sa pang-ekonomiya, ngunit hindi maiiwasan ang malinaw na dahilan kung bakit kailangan ang pag-anunsyo dahil sa higpit ng sistemang medikal sa Tokyo at iba pang mga lugar. Bilang karagdagan sa Tokyo, ang anim na prefecture kasama ay: Saitama, Chiba, Kanagawa, Osaka, Hyogo at Fukuoka. Noong hapon ng April 6, ang Punong Ministro ay nakipagpulong kay Advisory Committee Chairman Shigeru Omi at ang Minister of Economy, si Rev. Yasutoshi Nishimura sa Opisina ng Punong Ministro upang pakinggan ang pinakabagong updates sa sitwasyon ng severity ng infection. Kalaunan ay sinabi niya sa mga reporter na ang Punong Ministro ay nais ng mag-isyu ng emergency declaration sa April 7 na maipapatupad pa lamang sa susunod na araw. Ipinaliwanag ng Punong Ministro na ang dahilan ng deklarasyon ay “upang mabawasan ang pakikipag-ugnay sa pagitan ng mga tao hangga’t maaari at magtatag ng isang healthcare delivery system.” Habang hinihingi ang labis na pagpipigil sa mga tao na gumala kung hindi naman importante hangga’t maaari, sinabi niya, “Kahit na maglabas kami ng isang pahayag, hindi namin i-lolock ang mga lungsod tulad ng mga nangyayari sa ibang bansa.” Ang Punong Ministro ay magsasagawa ng isang press conference sa gabi ng April 7 upang humiling ng pang-unawa at kooperasyon ng publiko.

Source: ANN News, Yahoo Japan

To Top