General

Prime Minister Abe: State of Emergency Nationwide ipatutupad

Ang gobyerno ng Hapon ay nagpasya na palawakin ang mga kasalukuyang lugar na nasa ilalim ng isang estado ng emerhensiya sa lahat ng dako ng bansa matapos itong makatanggap ng feedback ng pagpapayo mula sa isang hanay ng mga eksperto.

Ipinahayag ng gobyerno ang estado ng emergency para sa Tokyo, Osaka at limang iba pang mga prefecture noong nakaraang linggo upang hadlangan ang patuloy na pagkalat ng coronavirus.

Ang Economic Revitalization Minister na si Nishimura Yasutoshi ay nagsabi na ang mga impeksyon ay kumakalat mula sa lunsod hanggang sa kanayunan dahil sa paggalaw ng mga tao. Idinagdag niya na nangangailangan ng isang urgent na desisyon upang magpatibay ng mga hakbang para mabawasan ang patuloy na pagkilos ng mga tao sa darating na mahabang panahon ng bakasyon mula sa katapusan ng Abril hanggang unang bahagi ng Mayo na siyang posibleng maging dahilan ng mas malalang pagkalat ng inpeksyon.

Sinabi ni Nishimura sa mga reporter na naaprubahan na ng panel ang plano ng gobyerno.

Plano ng mga opisyal na maglunsad ng isang task force meeting mamaya  upang opisyal na magpahayag ng isang estado ng emerhensiya sa buong bansa.

Papayagan nito ang mga gobernador sa buong Japan na gumawa ng iba’t ibang mga hakbang upang labanan ang virus.

Mahigit sa 9,000 katao ang  nagpositibo sa buong bansa.

Ang bilang na ito ay hindi pa kasama ang 712 na kaso na naka-link sa barko ng Diamond Princess cruise ship na na-quarantined sa Yokohama noong Pebrero. Mahigit sa 190 katao ang namatay sa Japan, kabilang ang 13 mula sa barko.

Mahigit sa isang-kapat ng lahat ng mga nakumpirma na impeksyon sa Japan ay naiulat sa Tokyo. Inihayag ng mga opisyal ang 149 na mga bagong kaso sa kabisera noong Huwebes.

 

Source: ANN News

To Top