Prime Minister Kishida, Mag-anunsyo ng mga Hakbang Laban sa Monkeypox
Sinabi ni Japanese Prime Minister Kishida Fumio na pinaplano niyang ipaalam sa publiko ang tungkol sa mga katangian ng monkeypox at kung paano mapipigilan ang pagkalat nito.
Inihayag ni Kishida ang kanyang intensyon sa isang meeting of executives ng kanyang Liberal Democratic Party nitong Martes, isang araw matapos kumpirmahin ng Japan ang unang kaso ng viral disease.
Aniya, ipapaalam niya sa publiko na kumakalat ang monkeypox sa pamamagitan ng physical contact at ang mga bakuna sa bulutong ay epektibo laban dito.
Samantala, sinabi ng health minister na si Goto Shigeyuki na tumutugon ang gobyerno sa sitwasyon.
Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag nitong Martes, sinabi niya na ang sistema para sa pagsubaybay sa mga paglaganap ay pinalakas at mayroong isang vaccination at treatment system.
Sinabi niya na ang Deputy Chief Cabinet Secretary for Crisis Management na si Murata Takashi ay magpupulong ng isang task force na binubuo ng mga senior official of relevant government offices sa araw ng Martes para sa second straight day.
Sinabi niya na ang gobyerno ay gagawa ng mga kinakailangang hakbang at titiyakin na ang mga tanggapan ay panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon upang pigilan ang pagkalat ng mga impeksyon. Idinagdag niya na ang gobyerno ay makikipagtulungan sa World Health Organization at susubaybayan ang mga kaso sa Japan at sa ibang lugar.