News

Prime Minister Kishida: Nakumpleto ang Evacuation Mission ng Hapon mula sa Khartoum

Sinabi ni Prime Minister Kishida Fumio na lahat ng Japanese national at kanilang mga pamilya na gustong umalis sa Khartoum, ang kabisera ng Sudan, ay inilikas na.

Sinabi ni Kishida sa mga mamamahayag nitong Martes ng umaga na walong higit pang mga indibidwal ang inilikas mula sa Sudan. Ito ay kasunod ng paglikas ng 45 katao na dumating sa kalapit na Djibouti sakay ng Air Self-Defense Force aircraft noong Lunes.

Sinabi ni Kishida na sinabihan siya na ang France ay tumulong sa paglikas sa walong tao, kabilang ang mga kawani ng Japanese embassy. Nagpasalamat siya sa France sa suporta nito.

Sinabi ng punong ministro na ang evacuation operation ay tapos na ngayon para sa lahat ng mga Japanese citizen sa kabisera ng Khartoum, kabilang ang mga kawani ng embahada, na gustong umalis ng Sudan.

Si Chief Cabinet Secretary Matsuno Hirokazu, nang tanungin ng mga mamamahayag nitong Martes tungkol sa ruta ng paglikas sa Sudan, ay tumanggi na magbigay ng mga detalye, na binanggit ang mga kadahilanang pangseguridad.

Aniya, bumiyahe ang mga evacuees mula Khartoum hanggang Port Sudan sa pamamagitan ng lupa sa suporta ng South Korea at United Arab Emirates.

Sinabi rin ni Matsuno na mayroong isang Japanese citizen na nasa southern Sudan pa, kung saan ang sitwasyon ay mukhang medyo stable. Nais umano ng indibidwal na tumakas ng bansa.

Samantala, pansamantalang isinara ng Japan ang kanilang embahada sa Sudan noong Martes sa gitna ng lumalalang sitwasyon sa seguridad at nagtayo ng opisina sa Djibouti.

Ang Japanese Ambassador to Sudan Hattori Takashi at ang mga embassy staff ay inaasahang magtatrabaho sa pansamantalang tanggapan upang magbigay ng suporta para sa mga Japanese national.

Naglabas ng advisory ang foreign ministry ng Japan na humihimok sa mga Japanese national na huwag maglakbay sa Sudan.

To Top