Pro-immigrant proposal sparks backlash in Shizuoka

Isang panukala na inihain ng gobernador ng Shizuoka, si Yasutomo Suzuki, hinggil sa paglikha ng pambansang batas at sentral na ahensya para i-coordinate ang mga patakaran sa multicultural na pakikipamuhay sa Japan ang nagdulot ng matinding reaksiyong publiko.
Ang plano, na tinalakay noong Hulyo sa pagpupulong ng National Governors’ Association sa Aomori, ay nagmumungkahi na ang pagtuturo ng wikang Hapon at suporta sa kabuhayan ng mga dayuhan ay hindi lamang dapat nakasalalay sa mga lokal na pamahalaan. Binanggit ni Suzuki na bagamat itinuturing ng pamahalaang sentral ang mga dayuhan bilang manggagawa, sa mga lokal na komunidad sila ay residente at bahagi ng lipunan.
Simula nang mailahad ang panukala, nakatanggap ang pamahalaan ng Shizuoka ng halos 200 tawag at email, karamihan ay kritikal. Kabilang sa mga komento ang mga pahayag tulad ng: “Hindi makatwiran na gamitin ang buwis para suportahan ang mga dayuhan” at “Ito ay hindi patas para sa mga Hapon.”
Isang opisyal mula sa multicultural coexistence division ng probinsya ang nagbabala na ang pagtanggi sa ideya ng magkakaibang lipunan ay maaaring magbukas ng puwang para sa xenophobia.
Source / Larawan: Mainichi Shimbun
