Kaunting kaalaman para sa may mga Problema sa Bato (Kidneys) at Pag-ihi:
Alam nyo na na ang Impeksyon sa ihi o tinatawag na UTI:
1. Isa sa apat na mag-aaral na apektado sa public school ay may problema sa pag-ihi o may impeksyon sa ihi.
2. Ang tinatawag na Honeymoon Cystitis ay ang pagkakaroon ng impeksyon sa ihi na nangyayari pagkatapos ng pagtatalik.
3. Ang simpleng UTI ay puwedeng umakyat sa kidneys at makasira nito kung babalewalain. Puwede itong magdulot ng kidney failure na mangangailangan ng dialysis kapag napabayaan sa matagal na panahon.
4. Mas madalas magkaroon ng UTI ang kababaihan dahil mas maiksi ang daanan ng ihi nila, kumpara sa mga kalalakihan.
5. Inirerekomenda ng bawat doktor na marapat lamang na uminom ng 8 hanggang 10 baso kada araw.
6. Pagkatapos magtalik, piliting umihi at ugaliing maghugas ng puwerta para hindi magkaroon ng impeksyon.
Ano ang mga natatanging sintomas ng may sakit sa bato:
1)PAGBABAGO SA PAG-IHI– maya’t mayang pagihi o madalas sa isang beses kada oras.
2)RAMDAM ANG SAKIT NG PANTOG, LIKOD AT TAGILIRAN — Nananakit ang pantog kapag umiihi. Tagos din sa likuran hanggang sa singit ang nararamdamang sakit kung may kidney stone sa dinaranan ng ihi.
3) PAGKAKAROON NG URINARY TRACT INFECTION (UTI) — Kapag ang impeksiyong ito ay kumalat sa kidney ito ay nagiging sanhi ng lagnat at pananakit ng likod.
4) DUGO SA IHI — Sintomas ito ng diprensiya ng kidney kaya’t kailangang magpasuri kaagad.
5) PAGKAKAROON NG MANAS — Trabaho ng ating bato o kidney na linisin ang mga basura at sobrang tubig sa ating katawan, pero kapag hindi na ito gumagana, magkakaroon ng manas sa kamay, paa at mukha.
6)PANGHIHINA AT PANLALAMABOT — Hormone na erythropoietin ang naipo-produce ng ating bato na tumutulong sa red blood cells na magdala ng oxygen at kapag ‘di na ito gumana, dahilan ito ng pagiging anemic dahil kulang ang nadadalang oxygen sa ating mga sellula at dahilan ng panghihina.
7) PAGKAHILO AT ‘DI MAKAPAG-CONCENTRATE — Kapag anemic at may problema sa bato at kulang sa oxygen sa utak na dahilan ng pagkahilo at mahirap makapag-concentrate.
8. PALAGING GINIGINAW — Kahit na sa mainit na lugar ay giniginaw dahil anemic. Ang kidney infection ay sanhi ng pagkakaroon ng lagnat na dahilan para ginawin
9) MAY SKIN RASHES AT NANGANGATI — Sa pagkakaroon ng sakit ng bato ay naiipon ang mga dumi sa katawan na sanhi ng pangangati at skin rashes.
10) BAD BREATH AT MASAMA ANG PANLASA — Kapag may kidney failure tumataas ang lebel ng urea sa dugo o nagkakaroon ng uraemia.
11) PAGSUSUKA — Kapag naipon ang basura sa dugo dahil sa sakit sa bato, nagiging dahilan ng pagsusuka.
12) KINAKAPOS NG HININGA — Dahil anemic ay kulang sa oxygen at kinakapos sa paghinga..
Mag-ingat dahil dumarami ang mga bilang ng may sakit sa kidneys:
1. Ang nephrotic syndrome ay isang sakit sa kidney o bato kung saan naglalabas ng protina ang mga kidneys ng pasyente at nagdudulot ng pagmamanas ng paa at mukha.
2. Kung may sakit sa kidney, mag-ingat sa high-protein diet tulad ng Southbeach at Atkin’s diet dahil ito’y nagpapahirap sa trabaho ng kidneys.
3. May 10,000 Pilipino kada taon ang nangangailangan ng dialysis. Kalahati sa kanila ay walang pera para umpisahan ang dialysis.
4. Ang dialysis ay isa sa pinakamahal na gamutan. Aabot ng P3,000 bawat dialysis at P36,000 kada buwan ang gastos
5. Ang kidney transplant ay nagkakahalaga ng 1.5 million pesos para sa pribadong pasyente at P500,000 sa charity case.
Mga Natural na Tips Paano aalagaan ang mga kidneys:
1. Huwag araw-arawin ang pag-inom ng pain relievers dahil ito’y makasisira ng kidneys.
2. Umiwas sa mga maaalat na pagkain at sawsawan tulad ng patis, toyo o bagoong, dahil nakasasama ito sa kidneys. Bawasan ang pagkain ng mga pagkain na maaalat tulad ng daing, tuyo, mga gulay na may sahog na bagoong o alamang atbp. Kung hindi maiiwasan, ugaliing uminom ng maraming tubig pagkatapos.
3. Iwasan din ang pagkain ng junk foods at sitsirya na maraming vetsin o MSG.
4. Limitahan ang pagkahilig sa instant noodles, bawasan ang alat (seasoning) na inilalagay dito. Kalahati lang ang ilagay para hindi magkadevelop ng sakit sa bato.
5. Tandaan, uminom ng 8 hanggang 10 basong tubig sa maghapon para manatiling malinis ang ating katawan at healthy ang kidneys.
(c)Dr. Willie T. Ong,google