Living in Japan

PROBLEMA SA CONSERVATION NG WORLD HERITAGE

Nakakuha ng madaming mga coins ang mga Volunteer divers sa ilalim ng spring ng Oshinohakkai sa Oshinomura village sa Yamanashi.

Ang mga turista na bumibisita ay nagtatapon ng mga coins sa fountain para makapag hiling ng swerte at kaligayahan. At karamihan ng mga nagtatapon ng coins ay mga dayuhan. Karamihan sa kanilang bansa ay nagtatapon sila ng coins sa holy place para sa paghiling ng swerte. May mga karatula na nakalagay sa lugar subalit may iba pa din na patuloy na gumagawa nito. Sa paglilinis ng lugar kada 2 buwan ay nakakapulot sila ng mahigit 30,000 yen.

Ang gawaing ito ay nakakasira ng landscape at ng kalikasan.

Source: ANN News

https://www.youtube.com/watch?v=e03jXMlQ9qY

To Top