Culture

Proper Diet is the Secret to High Life Expectancy Rate in Japan

High Life Expectancy Rate in Japan

Ang life expectancy rate ng tao ay di lamang nababatay sa genetics kundi pati na rin sa kanyang daily diet regimen.  Ayon sa isang siyentipikong pag-aaral, ang healthy diet na kinabibilangan ng isda, karne, gulay, carbohydrates at mga prutas ay nakakatulong sa life expectancy rate. Napatunayan na ang mga ganitong uri ng pagkain ay mababa sa saturated fats, processed foods at mataas sa carbohydrates. Dahil dito, ang gobyerno ng Japan ay gumawa ng mga balangkas ukol sa wastong diet at nutrisyon sampung taon na ang nakalilipas.

High Life Expectancy Rate in Japan

Sa pag-aaral na ito, ang mga pangunahing researchers ay gumawa ng mga lifestyle questionnaires para sa National Center for Global Health and Medicine sa Tokyo. Ilan sa mga napatunayang dahilan ng high mortality rate ay ang di wastong pagkonsumo ng mga taba at asin na pangkaraniwang nasa araw-araw nating diet o health regimen. Ang mga food-related questionnaires ay ipinamahagi sa 36,624 na mga lalaki at 42,920 naman na babae. Batay ito sa edad ng mga napiliing respondents mula 45 at 75 years old.

Proper Diet and Life Expectancy

Proper diet ang itinuturing na susi sa pagkakaroon ng masaya at malulusog na pangangatawan sa loob ng 15 taon. Walang anumang karamdaman ang mga participants na ukol sa mga sumusunod na alarming health issues tulad ng heart disease, cancer at stroke. Lubos ring bumaba ang mortality rate ng halos 15% matapos sundin ang healthy diet guide na ito.

Ang mga pagkaing kasama sa pagbibigay ng high rates of life expectancy ay ang wasto at balanseng pagkonsumo ng mga prutas, manok, gulay, karne, isda, mga soy products, confectioneries at alcohol ay sadyang malaki ang naitutulong sa pagpapahaba ng buhay.

Sang ayon naman kay Dr.  James Dinicolantino,

“We can learn a lot about how to be healthy from the Japanese, and it really comes down to ‘eat real food’ and ‘exercise.”

Ang high life expectancy rate sa Japan ay tunay na isa sa sa mga dahilan kung bakit ang mga Hapones ay nanatiling matalas ang kaisipan. May matibay na paniniwala na ang mga sariwa at natural na pagkain ay tunay na walang makapapantay, anuman ang mga magiging pagbabago sa larangan ng siyensya at research development sa hinaharap.

Article Source:

http://www.independent.co.uk/life-style/health-and-families/health-news/high-life-expectancy-in-japan-partly-down-to-diet-carbohydrates-vegetables-fruit-fish-meat-a6956011.html

To Top