General

PSJ Nagoya Induction of Officers

Noong ika 12 ng Hunyo ay naganap sa Naka-Ku Nagoya Shi ang Oath taking ng mga Executive Committees para sa taong 2022-2024. Ito ay binasbasan ni Father Joey at naging Panauhing Pandangal ang Consul General ng Nagoya na si ConGen Celeste Vinzon-Balatbat.
Muling nahirang na Pangulo si Nestor Puno, Conrad Santos bilang Pangalawang Pangulo, Lala Iwasaki, Razel Satake, Riza Yamazaki, Kathryn Goto, Virgie Ishihara, Mylene Oguro, Marie Saiki, Rica Koda, Ann Tarui at Jack Jacobe.
“Ang PSJ ay naninindigan sa kanyang layunin na makatulong sa ating mga kababayan upang makapamuhay ng maayos dito sa Japan, itaguyod at ipagtanggol ang karapatan at kagalingan ng bawat kasapi at ng migranteng Pilipino,ipalaganap ang mayamang kasaysayan at kultura ng Pilipinas at magtaguyod ng mahigpit na ugnayan sa lokal na mamamayan, at iba pang organisayon ng mga Pilipino, at migrante ng ibang bansa.Ang PSJ ay nakikiisa sa mamamayang Pilipino sa pagnanais nitong pagbabago at mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bansa.”

To Top