Environment

“Pumice Stones” sa dalampasigan?

Malaking bilang ng “pumice stone” ang namataan sa dalampasigan ng Okinawa. Ang pumice stone ay resulta ng pinaghalong tubig at lava. Ito ay inireport ni Moko, isang talento na nagtatrabaho bilang tourism ambassador ng Ogimi Village, Okinawa prefecture, Hindi rin maitago ang labis nitong pagkamangha at pagtataka sa nakita. Saktong gumagawa siya ng report para sa mga ito ngunit kinabukasan naglaho ang mga ito at nagbalik sa normal ang dalampasigan.
Malakas umano ang mga alon ngunit hindi mo maririnig ang alon kundi tunog ng mga batong nagkiskiskisan sa halip ang maririnig rito.
Dagdag pa ni Aimoko Moko: ” malakas ang alon pati na rin ang hangin dahilan upang makita mong gumagalaw ang mga ito sa dalampasigan.” Ngunit nawala rin ang mga ito kinabukasan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hindi rin alam ng mga residente ang dahilan ng paglitaw nito at bakit agad ring nawawala kung ito ba ay dahil sa impluwensya ng alon, hangin o ng malakas na sea current.

https://www.youtube.com/watch?v=BhqSyGpcmdQ

Source: ANN NEWS

To Top