Rain clouds patuloy na namumuo sa Kyushu, Mabibigat na pag-ulan sa lugar inaasahan
Ngayong araw, patuloy ang pag-galaw ng rainy season front pahilaga at ang pag-ulan sa sentro ng Kyushu ay hindi pa rin tumitigil. Bukas mas inaasahan pa ang matinding pag-ulan sa lugar. Inaasahan ang sitwasyon katulad ng naiulat noong ika-4 ng Hulyo kung saan ay naglabas ng “heavy rain special warning” sa Lungsod na may nakaambang panganib ng mga seryusong sakuna.
Inaasahang tatamaan ng matinding pag-ulan na ito ang mga lugar ng Kyoto, Hokuriko, Gifu at Nagano. Pati na rin ang Tohoku region na nakasentro sa Japan sea side. Sa gabi naman ay inaasahang mamumuo naman ang pag-ulan sa Tokai region, posibleng magdulot ng mga sakuna sa lugar. Sa umaga, hindi pa rin ligtas ang Kumamoto area dito at maaaring magdulot pa ng panganib sa lugar.
Patuloy na pinagiingat ang lahat lalo na sa mga nakatira malapit sa ilog o bundok para sa posibilidad ng landslides. Maghanda para sa paglikas kung kinakailangan.
https://youtu.be/2Hlq5RCzn0s
Source: ANN NEWS