General

Rakuro: Automatic steering robot transportation gamit lamang ang tablet bilang kontrol

Isang  modernong sasakyan, walang preno at accelerator ang malaking balita sa Japan.
Ito ay isang automatic steering robot na tinatawag na “RakuRo” mayroong isang upuan para sa isang tao lamang at ang nakakamangha rito ay  hindi mo kailangan ng driver.
Kailangan lang pumili ng pasahero ng ruta sa tablet at umupo hanggang sa siya ay makarating sa lokasyon ng patutunguhan.
Ang robot ay gumagalaw sa bilis na hindi lalagpas sa 6 mph at sa pamamagitan ng isang camera, nakikita ang mga nakaharang sa daan, kinikilala ang mga ilaw ng trapiko at nakikita kung may ilang mga panganib sa madadaanan.
Ang Pangulo ng Maker na si ZPM Taniguchi ay nagpahayag na: ′′Inaasahan kong ang robot ay magiging kapaki-pakinabang sa mga tao lalo na sa matatanda at sa mga mayroong problema sa lokomotion. Nais kong magamit ito sa maraming paraan at malayang makagalaw ang mga tao “.

Nagsimula ang pagbebenta ngayong Mayo sa taong ito at nagiging mas popular.
Ang mga kapitbahayan ng Tsukishima at Tsukuda sa distrito ng Chuo ng Tokyo ay nagbigay ng “RakuRo” sa mga residente ng rehiyon bilang pagpipilian sa transportasyon.
Ang presyo ay abot-kayang at nagkakahalaga ng ¥ 370 bawat 10 minuto o buwanang plano na ¥ 10.000 bawat buwan.

Source: Asahi News

To Top