General

Record number of foreign workers in Japan

Umabot sa humigit-kumulang 1.82 milyon ang bilang ng mga dayuhang manggagawa sa Japan noong 2024, tumaas ng halos 220,000 kumpara noong 2023, ayon sa ulat ng Ministry of Health, Labour and Welfare.

Ayon sa pananaliksik, humigit-kumulang 70% ng mga kumpanya ang nagsabi na ang pangunahing dahilan sa pagkuha ng mga dayuhan ay upang punan ang kakulangan sa lakas-paggawa.

Ipinakita rin ng pag-aaral na halos 10% ng mga manggagawang dayuhan ang nakaranas ng ilang uri ng problema, at sa mga ito, 15% ang nagsabing hindi nila alam kung saan hihingi ng tulong. Binanggit ng ministeryo ang pangangailangan na palawakin ang mga inisyatiba tulad ng multilingual na serbisyo sa mga pampublikong employment center.

Source: Nippon TV

To Top