Record Rains Leave 8 Dead in Chiba
By
Posted on
15/08/2026
Walong katao ang nasawi matapos ang rekord na malakas na pag-ulan na tumama sa Chiba Prefecture noong Agosto 13 at 14. Naitala ang mga biktima sa Chiba, Ichikawa, Kashiwa, Sakura at Yachiyo, kabilang ang mga taong na-trap sa kanilang mga sasakyan habang binabaha ang mga kalsada.
Humigit-kumulang 7,400 katao ang lumikas sa 359 evacuation center sa 39 munisipalidad. Dose-dosenang bahay din ang naapektuhan ng pagbaha.
Sa mga kalsada, tinatayang mahigit 1,200 sasakyan ang naiwan matapos ma-stranded dahil sa baha. Ayon sa mga awtoridad, posibleng mas mataas pa ang aktuwal na bilang.
Source: TBS News Dig
