By
Posted on
INTENSIVE RAIDS NG FOREIGNERS: 30% NG NAHULI AY REFUGEE VISA APPLICANTS
●Nag-announce nitong February 27, 2018 ang Ministry of Justice ng Japan ukol sa isinagawa ng Tokyo at Nagoya Immigration Bureaus na intensive crackdown raids ukol sa violations ng Immigration Control Act (activities outside of visa qualifications kasama na ang illegal work) noong November 6 to December 1, 2017. Umabot sa 341 na foreigners ang nahuli, at almost 30% sa kanila ay applicants ng refugee visa. Isinagawa ang intensive investigations upang malaman kung gaano kalala ang situation dahil sa dumami ang applicants ng refugee visa gayung hindi naman naaangkop ang kanilang dahilan para mabigyan ng refugee visa.
●Sa mga nahuli, 94 na katao (27.5% ng ng total) ay applicants ng refugee visa. 44 ay Vietnamese, 25 ay Pinoy, at 11 ay Indonesian. 84 na katao sa loob ng 94 katao ay nagtratrabaho ng illegal at 75 sa kanila ay nag-withdraw na nang kanilang refugee visa application nitong January 2018.
●Ayon sa Ministry of Justice ng Japan, ang mga Vietnamese na nahuli ay mga dating technical trainees na tumakas sa kanilang kontrata at naghanap ng ibang trabaho (illegal). Samantalang ang mga Pinoy na nahuli ng illegal work ay nag-apply ng refugee visa pagkatapos makapasok sa Japan as tourists.
●Magmula noong March 2010 ay pinayagan ang mga refugee visa applicants na magtrabaho habang nag-a-apply. Dahil sa biglang pagdami ng refugee visa applicants, simula January 2018 ay hindi na papayagan ang applicants na magtrabaho at pauuwin sila sa sariling bansa ng puwersahan pagkatapos ng kanilang temporary visa.
Source: Sankei Shinbun February 27, 2018.
By: Jean Nakahashi