Living in Japan

Refugee Visa Update

PAG-LIMITA SA PAGTRABAHO NG REFUGEE VISA APPLICANTS AT DOCUMENT-BASED APPLICATION

Dahil sa humigit sa 10,000 foreigners na ang nag-apply ng Refugee Visa dito sa Japan, nagpahayag ang Department of Justice ng Japan simula January 12, 2018, magkakaroon na ng mahigpit na pagbabago ang paraan ng pag-apply ng Refugee Visa. Ayon sa documents na nai-submit ng applicant, ang mga napag-alamang gusto lamang pumasok sa Japan upang magtrabaho na applicants ay ibubukod.

Saka upang mabawasan ang applicants, pabibilisin na ang paglabas ng results ng Refugee Visa application. Within 15 days ay pipilitin nilang ilabas ang results. Sa pagdami ng applicants, kasama na ang personal interview time, naging mahaba ng halos 10 months ang application period para sa Refugee Visa. Dahil dito, ang Department of Justice ay magsasagawa lamang ng document-based evaluation (walang interview), na aabot lamang ng hindi hihigit sa 2 months para isagawa. Ang mga applicants ay mai-classify sa mga sumusunod na categories ayon dito sa document-based evaluation:

Refugee Visa Application Categories:
(A) Refugee Visa ay mataas ang posibilidad: in less than 6 months, bibigyan ng karapatang tumira at magtrabaho sa Japan
(B) Obvious na hindi maaaring tumanggap ng Refugee Visa: puwersahang pauuwin sa sariling bansa
(C) Repeat applicants na pareho ang dahilan sa (B): puwersahang pauuwin sa sariling bansa
(D) maliban sa Category (A) (B) and (C): after 6 months, bibigyan ng karapatang tumira at magtrabaho sa Japan.
*Ngunit ang Category (D) na sumusunod: tumakas sa kontrata na Trainee at hindi nagtapos na foreign students na nag-apply ng Refugee Visa ay hindi bibigyan ng karapatang magtrabaho sa Japan. Noong 2016 ay 28 na katao lang raw ang nakatanggap ng Refugee Visa sa Japan at noong 2017 ay 10 tao lamang.

Source: Asahi Shinbun january 12, 2018

By: Jean Nakahashi

Refugee Visa Update
To Top