Accident

RENTAL CAR NG GAIKOKUJIN, NABANGGA, 5 NAOSPITAL

Noong ika-3 ng umaga, nagkaroon ng aksidente sa isang intersection sa Kitami City, kung saan nagbanggaan ang isang rental car na minamaneho ng isang dayuhang lalaki at isang pribadong sasakyan, at limang tao ang dinala sa ospital. Lahat sila ay nagtamo ng minor injuries.

Nangyari ang aksidente ng kaunti lampas alas-nueve ng umaga sa intersection ng isang provincial road at city road sa Kitami City, kung saan nagbanggaan ang rental car na minamaneho ng dayuhang lalaki at isang pribadong sasakyan.
Ayon sa pulisya, apat na dayuhang lalaki at babae na nasa biyahe ng turista na sakay ng rental car, at ang babaeng nagmamaneho ng pribadong sasakyan, sa kabuuan ay limang tao, ang dinala sa ospital at lahat ay nagtamo ng minor injuries.
Ang intersection kung saan nangyari ang aksidente ay walang traffic lights, at may stop sign sa panig ng rental car na minamaneho ng dayuhan. Sinisiyasat ng pulisya ang mga detalye ng aksidente upang alamin ang sanhi nito.

NHK NEWS WEB
June 3, 2024
https://www3.nhk.or.jp/sapporo-news/20240603/7000067416.html

To Top