Inanunsyo ng pamahalaan ng prepektura ng Yamanashi na magsisimula na silang tumanggap ng mga online na reserbasyon para sa pag-akyat sa Bundok Fuji simula Abril 24. Ang mga reserbasyon ay magiging mandatoryo para sa mga gustong dumaan sa Yoshida Trail, na nasa bahagi ng prepektura, bilang bahagi ng hakbang upang mabawasan ang siksikan at mapataas ang kaligtasan sa pinakamataas na bundok sa Japan.
Upang makapagpareserba, kailangang magbayad ang bawat umaakyat ng paunang entrance fee na ¥4,000 at sumang-ayon sa ilang panuntunan, tulad ng pagbabawal na umakyat ng 3,776 metro ng Bundok Fuji nang hindi nagpapahinga sa mga alpine huts.
Magpapatupad rin ang kalapit na prepektura ng Shizuoka ng katulad na sistema simula Mayo 9. Sa unang pagkakataon ngayong taon, magsisimula rin silang maningil ng entrance fee.
Source: Jiji Press