Revised Health Promotion Law: Bawal na ang paninigarilyo sa loob ng mga establisyemento
Ang “Revised Health Promotion Law”, na naglalayong maiwasan ang passive smoking, ay ganap ng ipinatupad. Ibig sabihin nito ay ipinagbabawal na ang paninigarilyo sa loob ng karamihan sa mga pasilidad, kabilang ang mga restawran at tanggapan, mula ika-1 ng Abril. Ayon sa Ministry of Health, Labor and Welfare, ang mga pasilidad na hindi na maaaring manigarilyo sa loob ay kadalasang mga pasilidad na ginagamit ng maraming tao, tulad ng mga restawran, hotel at train stations, idagdag na dito ang mga pachinko parlors kung saan kadalasang ginagamit ng maraming smokers na kliyente. Upang makapanigarilyo sa mga nasabing pasilidad, kinakailangan na lumikha ng isang “smoking room” na may mga itinalagang tanda at mga kondisyon tulad ng dapat ang usok ay hindi lalabas ng smoking area at hindi pwedeng kumain at uminom sa loob.
Gayunpaman, sa Tokyo, mayroong isang hiwalay na patakaran na ang mga tindahan na may mga empleyado ay smoke-free indoors, anuman ang laki ng seating area, at higit sa 80% ng mga restawran sa Tokyo ay mapapasailalim sa mga regulasyon.
https://youtu.be/gQgpqc1O104
Source: ANN News