Rice prices in Japan hit record high, doubling last year’s levels

Umabot na sa ¥4,206 kada 5 kilo ang karaniwang presyo ng bigas sa mga supermarket sa Japan, ayon sa datos ng Ministry of Agriculture. Ito na ang ika-13 sunod na linggo ng pagtaas ng presyo, at kahit na naglabas na ng reserbang bigas ang gobyerno, patuloy pa rin ang pagtaas.
Ang pangunahing dahilan ay ang matinding kompetisyon sa pagitan ng mga distributor para makakuha ng suplay, na lalong nagpapataas ng presyo. Sa kasalukuyan, higit na doble na ang halaga ng bigas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Inaasahan na ang datos para sa susunod na linggo, na sasaklaw sa mga presyo ngayong Abril, ay maaaring magpakita ng pagbaba ng presyo, dulot ng epekto ng paglabas ng reserbang bigas ng gobyerno.
Source: TBS
