General

Robotic Vacuum Cleaners in Japan

Robotic Vacuum Cleaners in Japan

“Innovative Cleaning Systems without Bounds”

Ang mga makabagong imbensiyon sa kasalukyang  panahon ay tunay na nakapagpapagaan ng ating araw-araw na pamumuhay. Kabilang sa mga ito ang mga tinatawag na robotic vacuum cleaners in Japan.

Dyson 360 Eye Robotic Vacuum Cleaner

Bilang panimula, ang Dyson vacuum cleaner ay ginawa ng isang engineering firm na pag-aari ng isang British. Ito ay pinangalanang Dyson 360 Eye robotic vacuum cleaner na naging bahagi ng makasaysayang Tokyo event sa mga nakalipas na panahon.

Ayon sa mga gumawa nito, ang nasabing vacuum cleaner ay nagtataglay ng pinakamalakas na suction capacity. Bukod dito, ito ay may unique camera system na nakakakita ng mga nakatagong alikabok sa iba’t-ibang sulok ng bahay.

Characteristically, the said highly-revolutionized cleaner distinctively possesses an extremely compelling sound. Based on the keen observation of Will Findlater, this is truly user-friendly in many unique ways. “If it works as well as Dyson says it does, then this could be the robot vacuum cleaner to get mainstream market penetration, and not just be a niche product.”

Karamihan sa mga Dyson robotic vacuum cleaners ay may mahinang uri ng motor sa kabuuan. Subalit, ang mga bagong labas na modelo ay sadyang nilagyan ng V2 digital motor na pangkaraniwang inilalagay sa mga handheld vacuum cleaners. Gayun din, ito ay may brush bars na nakatakip sa kabuuan ng vacuum cleaners sa halip na mga side sweepers. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang Dyson-made robotic vacuum cleaner ay may tinatawag na vision system na nagdudulot ng isang mas maayos at organisadong cleaning method on any floor space. Mayroon din itong paranomic lens na nakalagay sa ibabaw ng camera na maaaring kumuha ng 360-degree views at 30 frames per second.

Sa kabilang dako, ang kumpanyang Panasonic ay naglunsad ng sarili nilang bersiyon ng robot-operated vacuum cleaner na hugis tatsulok. Ngunit ito ay hindi masyadong moderno kumpara sa gawa ng Toshiba. Ang vacuum cleaner na gawa ng isa sa mga pinakasikat na kumpanya sa Japan ay may surveillance at exceptional cleaning features. Ito ay tinawag nilang Torneo Robo vacuum cleaner.

Ang mga makabuluhang likhang ito ay nagpapatunay lamang na ang bawat nilikha ng tao ay patuloy na yumayabong sa  isip, puso at kaluluwa upang maging kapakipakinabang sa lahat ng  panahon.

Image from the official Dyson website

To Top