MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang inulat na damage sa NAIA’s runways and taxiways matapos ang 6.1 magnitude earthquake.
Ang NAIA terminal facilities ay hindi nagka problema kaugnay sa naganap na lindol.
Mabilis nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng MIAA para tiyakin kung may mga naapektuhan na istraktura sanhi ng lindol.
Sinabi ni MIAA GM Ed Monreal, na normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport partikular ang kanilang mga runways ligtas ito sa pag-landing at pag-take off ng mga eroplano.