Isang pambihirang hayop umano ang nakuhaan sa video ng isang local na residente sa isang residential area. May hawig ito sa pinaghalong baboy ramo at usa. Ito ay isang uri ng rare deer na protektado ng animal protection law sa japan na kilala sa tawag na Nihonkamoshika o Capricomis crispus. Tinatayang ang hayop na ito ay may 3 hanggang 4 na taon na at hindi man lang natatakot o nababahala na makakita ng isang tao. Ayon sa mga eksperto mailap umano sa tao ang mga ganitong uri ng hayop ngunit makikita sa isang ito na nakunan sa video na sya ay kumportable at hindi takot makakita ng tao.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet