General

Paano lulunasan ang Sakit na Hika sa Natural na pamamaraan?

Tips para sa Natural Remedy sa Hika:
Ngayong panahon ng taglamig sa Japan, ito ay mga panahong nauuso ang pagatake ng hika para sa mga taong may karamdamang ganito maliban sa sobrang init tuwing summer o exposure sa allergens.Nagbigay si Dr. willie ng ilang tips na kailangang gawin at iwasan basahin sa sumusunod na tala.
Ang mga nakatala sa ibaba ay mga natural na pamamaraang natutunan at napagalaman ni Dr. willie T. ong na lunas para sa sakit na hika.
1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng hika.
2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na ‘mukokinetic’ at nagpapaluwag ng plema sa baga.
3. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape – black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para mabawasan ang hika.
5. Uminom ng Vitamin C tablet hangang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.
6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukan mag-baras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong masel na ginagamit sa paghinga.
Narito naman ang mga dapat Iwasan:
1. Ang soft drinks ay nakapagsisimula ng hika, lalo na sa mga bata.
2. Ang vetsin din ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake ng hika.
3. Alamin ang pagkain na nakaka-allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok.
4. Mag-ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
5. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans, kasi lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapan huminga.
6. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maduduming hangin at lugar.
Magsuot ng face mask para mabawasan ang usok na nalalanghap.
(c)Dr.willie T. Ong
To Top