General

Samsung: Nagpakilala ng 5G compatible smartphone na mas angkop sa teleworking

Ipinakikilala ang isang 5G smartphone na maginhawa para sa teleworking. Ang pinakabagong 5G smartphone na inihayag ng Samsung ay maaaring wireless na maikonek sa isang TV upang maipakita ang mga video at materyales mula sa smartphone. Gayundin, gamit ang built-in na pen, maaari kang kumuha ng mga notes sa iyong smartphone na para bang gumagamit ka ng papel at panulat, at maaari kang mag-record nang sabay, at i-tap ang notes upang i-play muli ang nais mong marinig. Sa mga 5G compatible na smartphone tulad ng iPhone 12 ng Apple at Pixel 5 ng Google na sunud-sunod ding nilaunch sa taong ito, nilalayon ng Samsung na bigyang diin ang mga tampok na features nito para sa telework at ang pagkakaiba  nito.

Source: ANN NEWS

To Top