Noong March 30 sa Tokyo, sa lungsod ng Adachi, isang 6-month-old na baby ang namatay pagkatapos uminom ng juice na may honey. Dinala sa hospital ang bata noong February 20, nakitaan ito ng sintomas ng respiratory failure.
Ayon sa isinagawang pagsusuyat, nakitaan sa dumi ng baby ang bacteria na tinatawag na Bacterium Clostridium Botulinum at nakuha nya ito sa inuming may honey. Ito ang pinaka-unang kaso ng pagkamatay sanhi ng infant botulism sa Japan.
Ang Metropolitan Government ng Tokyo ay nagbigay ng warning na huwag bigyang ng honey ang mga batang under 1 year dahil sa mayroon itong bacterium Clostridium botulinum.
Source: ANN News
https://www.youtube.com/watch?v=ypmD1aZ-UGE