Business

SCANDAL SA DAIHATSU MOTORS

Itinigil ng Japanese carmaker na Daihatsu Motor ang operasyon sa tatlo sa kanilang apat na car assembly factory sa bansa noong Lunes matapos ang paglalantad ng mga test data irregularities. Ang tatlong factories ay matatagpuan sa prefectures ng Shiga, Kyoto, at Oita.

Inaasahan ng kumpanya na ititigil din ang operasyon sa natirang factory sa Osaka sa Dec. 26.

Inanunsyo ng Daihatsu noong nakaraang linggo na ititigil nito ang mga domestikong pagpapadala ng lahat ng modelo matapos ang pagkakadiskubre ng 174 test data irregularities para sa 64 na modelo. Ang mga test data ay ginamit para sa safety certification ng pamahalaan.

Ang apat na pabrika ay nag-produce ng mahigit 920,000 cars noong 2022. Ang pagtigil ng operasyon ng isang buwan ay magdudulot ng pagbaba sa taunang production ng mga halos 70,000 car units.

Hindi pa malinaw kung kailan muling bubuksan ng Daihatsu ang mga factories. Ang mga test data irregularities ay malamang na makaapekto hindi lamang sa pamamahala ng kumpanya kundi pati na rin sa mga ekonomiya sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, kasama na ang mga kaakibat nilang negosyo at subcontractors.

NHK NEWS
December 25, 2023
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/news/20231225_10/

To Top